Panaginip na Ahas Part 1-2 | Snakes Dream Meaning
Ano ang kahulugan ng panaginip na ahas? Anong ibig sabihin ng ahas sa panaginip? Ang kahulugan ng iyong panaginip ay nag-iiba depende sa sitwasyon at naramdaman mo sa loob ng iyong panaginip at maging sa totoong buhay at kultura o relihiyon na iyong nakagisnan. Ang kahulugan ng iyong panaginip na ahas ay karaniwan simbolo ng paghihirap na pinagdadaanan sa buhay, kasamaan, pandaraya, kaaway na lihim, tukso at tao o bagay na hindi mapagkakatiwalaan ngunit sa positibong pananaw, ito ay simbolo na karunungan, lakas, pagpapagaling (healing) at pagbabago sa iyong buhay. Ang pahiwatig ng panaginip na ahas kung ito ay mabuti o masama ay maaaring nakasalalay sa kanilang mga aksyon sa iyong panaginip. Ang simbolo ng ahas sa panaginip ay nag-iiba ang kahulugan depende sa nakagisnang kultura tulad sa Kristiyanismo, ang ahas ay simbolo ng tukso at Itinuturing bilang malisyosong nilalang, at ang panaginip tungkol sa mga ahas ay nagdudulot lamang ng negatibong enerhiya sa buhay ng isang ...